Powered By Blogger

A. KABABAWAN NG SPIRITWAL NA PAMUMUHAY.

     Kadalasan, akala natin ang mga simpleng bagay lamang ang nakakapagpabagsak sa ating pagkatao tulad ng pagkakaroon ng mababang grado, pagkapahiya, kawalan ng kaalaman at marami pang iba. Ngunit ito ang hindi nalalaman ng marami, walang kinabukasang inaasahan ang mga taong mababaw ang ispiritwal na pamumuhay.
     Isa sa madamdaming pagpapatotoo ko dito ay ang pakikipagsapalaran ko sa buhay na puno ng pagsubok, naiintindihan ko na minsan hindi ko talaga nakakayanang lampasan ang pagsubak na kinakaharap ko sapagkat ang aking ispiritwal na ugnayan sa Diyos ay ganoon na lamang kababaw, hindi ko kaagad-agad natatanto ang layunin ng pagsubok na iyon sa aking buhay dahil ang totoo hindi naman talaga naninirahan ang Diyos sa puso ko kaya naman ganoon na lamang ako nagagapi ng kaaway. Dahil hindi ganoon katatag ang paniniwala at pag-asa ko na SIYA and Diyos. Minsan hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko sinasabi kong mahal ko ang Diyos ngunit hindi, ang tingin ko. dahil hindi ko naman sinusunod ang layunin NIYA at ang mga plano NIYA para sa akin. Kaya ang kinahahantungan ay pagsisisi sa huli. Ngayon, gaano man ako magsisi sa kababawan ng aking ispiritwal na ugnayan sa KANYA, napagbulayan ko na ito ang higit na nakakapagpabagsak sa akin simula pa lamang ng ako'y mag kaisip. na ang pumupigil sa pagpasok ng mga biyaya sa akin at sa aking sambahayan ay ganoon na lamang kahirap dahil sa kababawang ito.