Powered By Blogger

C.. SALAPI O PERA

  Bakit ba palagi na lang ang salapi at pera ang ikinasisira ng mga tao dito sa mundo? Hindi ba maaaring mabuhay ang mga tao ng walang pera? Hindi ba maaaring mabuhay ang tao nang walang pera?           Marami sa ating mga tao ang tingin sa pera ay ang kanilang diyos.Tingin nila ito dahil sa ang pananaw nila sa pera ay tanging kinakailangan ng tao para sila ay manatiling buhay sa mundo. Hindi ba nila naisip na marami pang bagay ang magiging dahilan upang mas naisin ng tao ang mabuhay? Sa ganitong paraa ay napapatunayan natin na ang mga tao ngayon ay walang kwenta at materyalistikong mga nilalang. Pero kahit na ganun ay may ilan pa rin sa ating mga tao ang nabubuhay hindi dahil sa pera kung hindi ay nabubuhay para lamang sa isang mabuti at magandang bukas na maghihintay para sa kanila.